Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

WORKSHEET BILANG GABAY NA KAGAMITAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SAPAGSULAT NG SANAYSAY

📘 Volume 12 📄 Issue 7 📅 July 2026

👤 Authors

Ma. Keeshia Mercurio Doria 1
1. Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang antas ng pagkatuto at pag-unawa ng mga mag-aaral sa Filipino gamit ang self-learning module na may kalakip na supplemental worksheet. Partikular, nilalayon nitong matukoy ang antas ng paggamit ng worksheet bilang gabay na kagamitang panturo batay sa mga bahagi nito tulad ng layunin, nilalaman, gawain, ebalwasyon, at paglalapat. Sinuri rin ang antas ng paggamit ng worksheet batay sa mga katangian nito, gaya ng teknikal na pormat, disenyo, kaangkupan, at kaisahan. Bukod dito, tinutukoy ng pag-aaral ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay batay sa tema, pagpili ng mga salita, estilo, at mekanismo, gayundin ang kanilang antas ng pagganap sa pasulat na pagsusulit. Higit pa rito, layunin din ng pag-aaral na masuri kung may makabuluhang epekto ang paggamit ng worksheet sa kasanayan sa pagsulat ng sanaysay at sa kabuuang pagganap ng mga mag-aaral. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibo at korelasyonal na disenyo ng pananaliksik. Ang mga datos ay nakalap mula sa isang daang (100) piling mag-aaral sa pamamagitan ng sariling gawang talatanungan bilang pangunahing instrumento. Ginamit ang frequency, mean, at standard deviation upang matukoy ang antas ng mga baryabol, habang Pearson Product–Moment Correlation ang ginamit upang masuri ang makabuluhang ugnayan, at regression analysis naman upang matukoy ang epekto. Ipinakita ng resulta na ang paggamit ng worksheet ay nasa lubhang mabisa na antas batay sa bahagi at katangian nito, na nagpapakita ng malinaw, organisado, at kaaya-ayang daloy ng pagkatuto. Ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral ay nasa mataas na antas, samantalang ang kanilang pagganap ay nasa antas na Very Satisfactory. Lumabas din na walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng paggamit ng worksheet at kasanayan sa pagsulat ng sanaysay, subalit may makabuluhang epekto ito sa pagganap ng mga mag-aaral. Bilang konklusyon, natuklasan na walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng paggamit ng worksheet at kasanayan sa pagsulat ng sanaysay kung kaya’t ang haypotesis ay tinatanggap. Samantala, natuklasan na may makabuluhang epekto ang paggamit ng worksheet sa pagganap ng mga mag-aaralkung kaya’t ang haypotesis ay hindi tinatanggap. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang patuloy na paggamit ng worksheet sa pagtuturo, ang pagpapayaman ng interaktibo at malikhaing gawain, at ang masusing pag-aaral sa iba pang salik na nakakaapekto sa pagkatuto para sa hinaharap na pananaliksik.

🏷️ Keywords

worksheet pagsulat ng sanaysay pagganap kagamitang panturo Filipino

📚 How to Cite:

Ma. Keeshia Mercurio Doria , WORKSHEET BILANG GABAY NA KAGAMITAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SAPAGSULAT NG SANAYSAY , Volume 12 , Issue 7, July 2026, EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) , Pages: 358 - 370 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1784051981366-43.EPRA28656.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.