Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG PAMAHAYAGANG PANG-KAMPUS SA LUNGSOD NG DAVAO: ISANG MAKASAYSAYANG PAGSISIYASAT

📘 Volume 11 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Victor C. Asnahon 1
1. Master of Arts in Teaching Filipino Graduate School, Rizal Memorial Colleges, Inc, Davao City, Mindanao Island, Philippines,

📄 Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang mga hamon, pagbabago, at kasalukuyang kalagayan ng pamahayagang pang-kampus sa pagdaan ng mga dekada. Tinalakay nito ang mga pagbabagong panlipunan, institusyonal, at teknolohikal na nakaapekto sa operasyon, layunin, at nilalaman ng mga publikasyong pang-kampus. Ginamit sa pag-aaral ang kuwalitatibong disenyo sa pamamagitan ng pasalitang kasaysayan at pagsusuring tematiko. Ang mga datos ay nakalap mula sa malalalim na panayam sa mga piling kalahok na may karanasan at naging saksi sa pag-unlad ng pamahayagang pang-kampus. Sinuri ang mga salaysay upang mabuo ang mga pangunahing tema at sentral na idea kaugnay ng pag-unlad ng pamahayagang pang-kampus.Natuklasan sa pag-aaral na ang pamahayagang pang-kampus ay humaharap sa mga hamon tulad ng kakulangan sa pondo, limitadong suportang institusyonal, at sensura. Lumitaw din na malaki ang naging epekto ng teknolohiya sa pagpapabilis ng produksiyon at pagpapalaganap ng balita. Bukod dito, nagbago rin ang nilalaman ng pamahayagan mula sa payak balitang pampaaralan tungo sa mas mapanuring pagtalakay sa mga usaping panlipunan tulad ng kalusugang pangkaisipan, karapatan ng kabataan, at demokratikong diskurso. Naging mas organisado rin ang operasyon ng mga publikasyon dahil sa paggamit ng mga elektronikong plataporma. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ng pag-aaral ang pagpapalakas ng suportang pinansyal at institusyonal, palagiang pagsasanay sa dihital na pamamahayag, at pagpapatibay ng kalayaan sa pamamahayag sa mga paaralan.

🏷️ Keywords

pamahayagang pang-kampus kalayaan sa pamamahayag institusyonal na suporta kasaysayan at pag-unlad

📚 How to Cite:

Victor C. Asnahon , KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG PAMAHAYAGANG PANG-KAMPUS SA LUNGSOD NG DAVAO: ISANG MAKASAYSAYANG PAGSISIYASAT , Volume 11 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Research & Development (IJRD) , Pages: 164 - 180 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1781292077090-21.EPRA 28369.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.