Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

PAGLALAKBAY SA MGA SALING-PANITIKAN NG TIMOG SILANGANG ASYA: ISANG PAGDADALUMAT SA MGA KARANASAN SA PEDAGOHIYA, BALAKID AT KABATIRAN

📘 Volume 11 📄 Issue 6 📅 June 2026

👤 Authors

Charry L. Jorolan 1
1. Master of Arts in Teaching Filipino, Graduate School, Rizal Memorial Colleges, Inc. Davao City, Mindanao Island, Philippines,

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Paglalakbay sa mga Saling-Panitikan ng Timog-Silangang Asya: Isang Pagdadalumat sa mga Karanasan sa Pedagohiya, Balakid, at Kabatiran” ay naglalayong mailarawan at maunawaan ang karanasan ng mga guro sa pagtuturo ng mga saling-akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya sa asignaturang Filipino sa antas sekundarya. Ginamit sa pag-aaral ang kuwalitatibong disenyo ng pananaliksik, partikular ang penomenolohikal na pagdulog. Sampung (10) gurong nagtuturo sa Filipino sa Baitang 9 mula sa Sangay ng Lungsod ng Davao ang naging kalahok sa pamamagitan ng purposive sampling. Isinagawa ang pinalalim na panayam at sinuri ang mga datos gamit ang tematikong pagsusuri. Batay sa resulta, lumitaw na gumagamit ang mga guro ng kontekstuwalisado, interaktibo, at nakatuon sa mag-aaral na mga estratehiya upang maging makahulugan ang pagkatuto. Gayunpaman, kinahaharap nila ang mga hamon tulad ng kakulangan sa mga sanggunian at kagamitang pampagtuturo, suliranin sa pagsasalin at talasalitaan, at mababang kawilihan ng mga mag-aaral sa panitikan. Sa kabuoan, ipinakita ng pag-aaral na mahalaga ang paggamit ng mga makabago at kontekstuwalisadong estratehiya, pati na ang patuloy na pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan ng mga guro, upang higit na mapahusay ang pagtuturo ng mga saling-akdang pampanitikan sa Timog-Silangang Asya. Ipinapahiwatig din ng pag-aaral na kinakailangan ang sapat na suporta mula sa paaralan at mga kinakaukulang institusyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na kagamitang pampagtuturo, pagsasanay, at mga napapanahong sanggunian upang mas maging epektibo ang pagtuturo ng panitikan. Higit pa rito, mahalagang malinang sa mga mag-aaral ang pagpapahalalaga sa kultura, pagkakakilanlan, at panitikang Asyano upang mapalawak ang kanilang kamalayang pangkultura at pag-unawa sa iba’t ibang pananaw at karanasan sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya.

🏷️ Keywords

Karanasan sa Pedagohiya Balakid sa Pagtuturo Kabatiran ng mga guro

📚 How to Cite:

Charry L. Jorolan , PAGLALAKBAY SA MGA SALING-PANITIKAN NG TIMOG SILANGANG ASYA: ISANG PAGDADALUMAT SA MGA KARANASAN SA PEDAGOHIYA, BALAKID AT KABATIRAN , Volume 11 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Research & Development (IJRD) , Pages: 69 - 80 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1781126424022-11.EPRA30439.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.