📄 Abstract
Ang pagkabalisa sa paggamit ng wikang Filipino ay isa sa mga suliraning maaaring makaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang pananaw sa pagkabalisa sa paggamit ng wikang Filipino at pag-unlad sa pagkatuto ng mga mag-aaral, gayundin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol. Ginamit sa pag-aaral ang disenyong deskriptib-korelasyonal na may 130 mag-aaral bilang mga kalahok sa pamamagitan ng kabuuang bilang ng populasyon. Gumamit ang mananaliksik ng inangkop na talatanungan upang masukat ang mga baryabol ng pag-aaral. Ginamit ang mean at standard deviation upang matukoy ang antas ng mga baryabol, samantalang Pearson’s r naman upang matukoy ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga baryabol. Lumabas sa resulta ng pag-aaral na mataas ang antas ng pananaw sa pagkabalisa sa paggamit ng wikang Filipino ng mga mag-aaral. Natuklasan din na mataas ang antas ng pag-unlad sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Higit pa rito, natuklasan na may katamtamang mataas na positibong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng pananaw sa pagkabalisa sa paggamit ng wikang Filipino at pag-unlad sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ipinahihiwatig ng resulta na ang pagkabalisa sa paggamit ng wikang Filipino ay may kaugnayan sa pakikilahok, pagsisikap, at pagganap ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto. Inirerekomenda ng pag-aaral ang pagpapatupad ng mga estratehiyang makatutulong upang mabawasan ang pagkabalisa at mapalakas ang kumpiyansa ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino.
🏷️ Keywords
📚 How to Cite:
Ivony P. Santianes , PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA PAGKABALISA SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO AT PAG-UNLAD SA PAGKATUTO , Volume 11 , Issue 6, June 2026, EPRA International Journal of Research & Development (IJRD) , Pages: 242 - 249 ,