☰
Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

SA PAGITAN NG DALAWANG WIKA: ANG KARANASAN NG MGA GURO SA PAGPAPALIT-WIKA SA BERBAL NA PAKIKIPAGTALASTASAN

📘 Volume 11 📄 Issue 11 📅 November 2026

👤 Authors

Carla Mae P. Landasan 1
1. Master of Arts in Teaching Filipino, Rizal Memorial Colleges, Inc. Davao City, Mindanao Island, Philippines,

📄 Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na mailarawan at maunawaan ang mga karanasan ng mga guro sa paggamit ng pagpapalit-wika sa berbal na pakikipagtalastasan. Partikular nitong tinukoy ang mga karanasan ng mga guro sa paggamit ng pagpapalit-wika, ang mga hamon at sitwasyong kanilang nararanasan, at ang mga mungkahing maaaring makatulong sa higit na pagpapaunlad ng pagtuturo at paggamit ng pagpapalit-wika sa Filipino. Ginamit sa pag-aaral ang kuwalitatibong penomenolohikal na disenyo upang mailarawan ang esensya ng mga buhay na karanasan ng mga kalahok. Lumahok sa pananaliksik ang labindalawang (12) gurong nagtuturo sa tatlong pampublikong mataas na paaralan sa Purok ng Kanlurang Santo Tomas, Sangay ng Davao del Norte, na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang datos ay nalikom sa pamamagitan ng malalimang panayam gamit ang balidado at sinuring gabay sa panayam at sinuri sa pamamagitan ng tematikong pagsusuri. Lumitaw sa mga natuklasan na ang mga karanasan ng mga guro ay nakatuon sa pagpapaunawa ng punto, impluwensiya ng kausap, at pedagohikal na estratehiya. Natukoy rin na ang mga hamon sa paggamit ng pagpapalit-wika ay may kaugnayan sa pag-aangkop ng wika batay sa kausap at sitwasyon, paggamit ng pagpapalit-wika bilang estratehiyang panturo, at pagbibigay-priyoridad sa mabisang pag-unawa. Samantala, ang mga mungkahing inilahad ng mga kalahok ay nakatuon sa pagpapahusay ng kaalaman at kakayahan ng mga guro, maingat at kontekstuwalisadong paggamit ng pagpapalit-wika, at pagbuo ng mas angkop na kagamitang panturo at mga estratehiya. Ipinakikita ng pag-aaral na ang pagpapalit-wika ay isang sinasadya at makabuluhang estratehiyang pedagohikal na nagpapahusay sa komunikasyon, nagpapalalim sa pag-unawa ng mga mag-aaral, at nagtataguyod ng isang inklusibo at makabuluhang proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa multilingguwal na silid-aralan.

🏷️ Keywords

Pagpapalit-Wika Berbal na Pakikipagtalastasan Penomenolohiya Estratehiyang Pedagohikal Davao del Norte

📚 How to Cite:

Carla Mae P. Landasan , SA PAGITAN NG DALAWANG WIKA: ANG KARANASAN NG MGA GURO SA PAGPAPALIT-WIKA SA BERBAL NA PAKIKIPAGTALASTASAN , Volume 11 , Issue 11, November 2026, EPRA International Journal of Research & Development (IJRD) , Pages: 25 - 41 ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/1794324973171-3.EPRA32088.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.