Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

SALOOBIN SA PAGBASA AT AKADEMIKONG PAGGANAP UKOL SA FILIPINO BILANG PANGALAWANG WIKA

📘 Volume 11 📄 Issue 3 📅 March 2026

👤 Authors

Daisy D. Hernandez 1
1. Master of Arts in Teaching Filipino, Rizal Memorial Colleges, Inc., Graduate School, Philippines

📄 Abstract

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang ugnayan ng saloobin sa pagbasa at akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino bilang pangalawang wika. Gumamit ang mananaliksik ng kuwantitatibo at di-eksperimental na disenyo sa pamamagitan ng deskriptib-korelesyon na metodo. Ang mga kalahok ay binubuo ng mga mag-aaral ng ika-7 baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Lungsod ng Davao, Cluster 1, para sa Taong Panuruan 2023–2024, na pinili gamit ang simple random sampling. Gumamit ng talatanungan ang mananaliksik upang makalap ang mga kinakailangang datos ukol sa saloobin sa pagbasa at akademikong pagganap. Ipinakita ng resulta na ang mga mag-aaral ay may positibong saloobin sa pagbasa, na malinaw sa kanilang interes, motibasyon, at pagpapahalaga sa pagbasa. Ang tatlong pangunahing indikeytor na ito ay may makabuluhang impluwensiya sa kanilang akademikong pagganap sa Filipino bilang pangalawang wika. Sa apat na kasanayang pangwika, mataas ang antas ng pakikinig at pagsasalita, samantalang ang pagbasa at pagsulat ay nasa katamtamang antas, na nangangailangan ng karagdagang suporta at estratehiya upang higit pang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral. Natuklasan na may makabuluhang ugnayan ang saloobin sa pagbasa at akademikong pagganap ng mga mag-aaral ukol sa Filipino bilang pangalawang wika.

🏷️ Keywords

Saloobin sa pagbasa akademikong pagganap Filipino bilang pangalawang wika Lungsod ng Davao Rehiyon XI

📚 How to Cite:

Daisy D. Hernandez , SALOOBIN SA PAGBASA AT AKADEMIKONG PAGGANAP UKOL SA FILIPINO BILANG PANGALAWANG WIKA , Volume 11 , Issue 3, March 2026, EPRA International Journal of Research & Development (IJRD) ,

🔗 PDF URL

https://cdn.eprapublishing.org/article/202603-02-026797.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.